Walang nakikitang magandang dahilan ang ilang mga Mindanaon lawmaker para ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas.
Kasunod ito ng isinusulong ni dating pangulong Rodrigo Duterte na magsarili na ang Mindanao.
Sabi ni House Majority Leader, Zamboaga 2nd District Rep. Mannix Dalipe – hindi raw niya maintindihan ang statements ng mga nagsusulong nito.
Wala rin daw siyang nakikitang magandang benepisyo para rito.
Sabi naman ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez – mas maigi raw na itigil na ang mga ganitong uri ng proposal para ‘di naamn mapigil ang pag-unlad ng isa umanong ‘strong’ and ‘united’ Philippines.