Nakapagtala ng 12.2 percent na pagtaas ng kaso ng Cyber indentity theft ang PNP Anti-Cybercrime Group noong nakaraang taon.
Ayon sa PNP-ACG, umabot sa 1, 597 na kaso ang kanilang naitala tungkol sa cyber identity theft.
Mas mataas ito kumpara sa 1, 402 na kaso na naitala noong 2022.
Dalawampung suspek ang matagumpay na nahuli sa loob ng dalawang taon sa nasampahan ng kaso sa pamamagitan ng inquest at regular filing.
Dahil sa naitalang pagtaas ng kaso, muling pinaalalahanan ng ACG ang publiko na ingatan ang pagbibigay ng kanilang mga personal information online.
Ito’y upang hindi kumalat at magamit sa masamang paraan.