Pasok na ang dalawang Pinay golfers na sina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina sa 2024 Paris Olympics.
Ito na ang ikalawang pagsabak ni Pagdanganan sa Olympics kung saan ay nakakuha siya ng 43rd place sa Tokyo.
Kasama pa niya noon si Yuka Saso, pero ngayon ay Japan na ang ire-represent nito.
Nasungkit ni Pagdanganan ang ika-36 na pwesto sa ika-113 puwesto sa mundo; habang si Ardina naman ay nakuha ang ika-56 na puwesto bilang world No. 298.
Ito ang Olympic debut ni Ardina. (Justine Jumarang – Brigada News Intern)