Sam Milby – may type 2 diabetes

Kinumpirma ng singer-actor na si Sam Milby na siya ay na-diagnose na may type 2 diabetes.

Inanunsyo ito ni Sam sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanyang blood sugar tester.

Inakala raw ng aktor na healthy ang kanyang pangangatawan dahil hindi siya mahilig kumain ng mga matatamis.

‘Di rin naman umano siya mahilig sa junk foods.

Sa katunayan, wala rin siyang history ng diabetes mula sa kaniyang magulang, hanggang sa lolo’t lola.

Advice ni Sam sa publiko – ‘wag isawalang-bahala ang mga sintomas at ugaliing magpa-check up.

Para sa kaniya, palagi raw siyang nauuhaw at madalas itong naiihi. (Rauvic Cifra – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *