2 bata, tinangay ng umanoy sabog na lalaki

Naharang ng mga pulis ang isang pulang sasakyan sa Cebu City.

Sakay kasi nito ang dalawang bata na tinangay ng isang lalaki na umanoy “sabog”.

Ayon sa mag otoridad, naglalaro lang ang mga bata nang pinasakay sila ng suspek sa sasakyan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nakaramdam na sila ng takot dahil malayo na ang kanilang nararating at tila iba na ang ginagalaw ng lalaki.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Napag-alaman na bago pa tuluyang naharang ang minamaneho ng suspek, nakasagi pa umano ito ng iba pang sasakyan.

Nabawi ng ligtas ang mga bata at dinala sa estasyon para bigyan ng intervention.