Pagdami ng mga pasyente sa Cotabato Regional and Medical Center o CRMC, masosolusyunan na

Para mas mapalawak pa ang paghahatid ng serbisyo sa mga pasyente sa Central Mindanao, binuksan na kahapon sa Cotabato Regional and Medical Center o CRMC ang isa na namang pasilidad na tinatawag na Bagong Urgent Care and Ambulatory Service o BUCAS.

Pinangunahan ni DOH Undersecretary Dr. Abdullah B. Dumama ang isinagawang inauguration and ribbon cutting ceremony sa pamamagitan ni CRMC Chief of Hospital Dr. Ishmael Dimaren at ilang mga doktor ng hospital.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sinabi ni Dr. Abdullah Dumama na labing pito na sa buong bansa ang nagbukas ng BUCAS center at hindi pa kasama dito ang CRMC at ang Cotabato Sanitarium General Hospital na binuksan din sa publiko kahapon ng umaga.

Isa sa mga layunin anya ng Department of Health ay mapag-ibayo ang paghahatid ng mga serbisyong karaniwan ay naibibigay lamang sa limitadong oras kung saan hindi na kailangan pang i-admit ang mga ito dahil ito ay magsisilbing Out Patient Department na bukas mula alasais ng umaga hanggang alas dyes ng gabi.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Naniniwala si Dumama na dapat ramdam ng bawat Pilipino ang pagtutok ng Pamahalaan sa kanilang problemang Pang-kalusugan kaya naniniwala sila na malaking tulong ang pagbubukas ng nasabing center.