Regional Office ng Alagang Tingog pormal na binuksan sa Cotabato City

Makakaasa ang mga residente ng Cotabato City at mga kalapit bayan nito na mas matutukan pa ng Pamahalaan ang kanilang mga pangangailangan lalo na sa usaping pangkalusugan.

Ito ay matapos ang pagpapasinaya ng Regional Office for BARMM ng Alagang Tingog Center na matatagpuan sa Barangay Rosary Heights 12 ng lungsod ng Cotabato.

Sa panayam ng BRIGADA News FM Cotabato kay Congressman Jude A Acidre, bagamat limang taon nang nag-ooperate sa lungsod ang kanilang opisina ay ngayon lamang ito pormal na pinasinayaan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kasabay ng kanyang pagbisita sa Cotabato City ay nakatanggap din ang mahigit isang libong kababayang Cotabatenos ng cash assistance sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

May mga nakatanggap din ng bigas at food cart sa mga pinalad na nabunot ang kanilang mga pangalan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Matatandaan na hindi na bago sa lungsod ang Tingog dahil kung may mga kababayang nangangailangan ng tulong medical na nagtutungo ng Brigada station ay agad -agad na tumutugon ang mga ito sa panawagan.

Idinagdag pa ni Congressman Acidre na ang ginagawang ito ay bahagi ng kanilang pagpapasalamat sa mga kababayang patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanila.