Pagdagsa ng magpaparehistro para sa barangay at sk elections inasahan ngayong araw sa Naga City

NAGA CITY- Inasahan ang pagkapal pa ng volume ng mga magpaparehistro para sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa Naga City.

Ito ay ayon kay Commission on Election Officer Atty. Mico Julia Jr. Aniya alas-6 pa lamang ng umaga may nakapila na, karamihan sa mga ito ay mga bagong botante.  200 ang kaya nilang maserbisyuhan araw-araw mula pa noong muling nagbukas ang voter’s registration noong Hulyo 4, 2022.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Kahapon, mahaba ang pila at ito ang inaasahan ngayon lalo na sa huling araw ng pagpaparehistro sa Hulyo 23.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ayon kay Julia , alas tres ng hapon sa Sabado ililista na nila ang mga nakapila na silang kakayanin hanggang sa magsara ang opisina.

Samantala , mababatid na ilang mga mambabatas ang nagnanais na suspension ng eleksyon,  ang tanong matuloy nga kaya o masususpendi ang halalan sa Disyembre?