NAGA CITY- Pitong mga driver ang nag positibo sa drug testing sa Naga at Camarines Sur. Sa sorpresa ng Land Transportation Office (LTO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang Highway Patrol Group (HPG) na hindi nagustuhan ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot 91 na driver sa Bicol Central Station sa Naga City ang sumailalim sa drug testing.
Isang bus driver at 5 tricycle drivers ang nag positibo.
Sa operasyon naman ng grupo kaugnay ng Oplan Ligtas Kalsada Kontra Droga sa Pamplona Camarines Sur, 9 na mga driver ang dumaan sa drug testing isang truck driver ang nag positibo. Dinala sila sa himpilan ng pulisya at impounded ang sasakyan.
Kung mapapatunayan sa confirmatory test , mahaharap sila sa kasong paglabag sa R.A 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.