Naniniwala ang bagong head coach ng UP men’s bastketball na isa sa mga hamon na kaniyang kahaharapin ay ang pag-develop ng chemistry sa kuponan.
Inihayag ito ni bagong UP head coach Goldwyn Monteverde, kasunod ng pagkakatalaga niya sa Fighting Maroons noong Agosto.
Ayon kay Monteverde, kailangan niya munang i-assess ang mga players na minana niya mula kay Bo Perasol.
Inaasahan naman na makakapasok sa UP ang mga players na dati nang na-coach ni Monteverde sa Nazareth School of National University kabilang na sina Carl Tamayo, Terrence Fortea at Gerry Abadiano.
Sa ngayon ay patuloy na sumasailalim ang Maroons sa online training dahil sa COVID-19 pandemic.
Matatandaan na itinakda ng UAAP sa February 2022 ang tentatibong pagsisimula ng 84th season.
