LEGAZPI LEGAZPI CITY – Arestado ang binata sa Barangay Bitano lungsod ng legazpi dahil sa failture to receive summon sa kanyang kinakaharap na tatlong kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and their Children.
Kinilala ang akusado na si Charlo Apuli Reñevo, 39 anyos residente ng Purok 8, Sitio Anunang Barangay Homapon ng nasabing lungsod.
Ayon sa report, hapon ng matagpuan ng mga kapulisan ang akusado sa nabanggit na lugar na bibit ng mga ito ang warrant of arrest na pirmado noong Nobyembre 19, 2019 sa nasabing kaso.
Aabot sa P72K ang inirekomenda piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Si Reñevo ay dinala sa Legazpi CPS para sa kaukulang disposisyon.