Aprubado na ng DENR Regional Office ang pagbubukas ng trekking activity sa trail na nakapalibot sa Bulusan Lake, kinumpirma mismo ito ng Provincial Environment and Natural Resources Office o DENR-PENRO Sorsogon
Sa sagot ng ahensya sa ipinadalang e-mail ng Brigada News, sinabi nito na pinirmahan na ni DENR V Regional Executive Director at Protected Area Management Board o PAMB Chairman Francisco Milla Jr. ang Resolution No. 2023-04 series of 2023 o ang Resolution allowing the re-opening of Trekking Activity at the Trail Surrounding the Bulusan Lake.
Samantala, nananatiling epektibo naman ang Resolution No. 2023-12 series of 2023 o ang Resolution Recalling o pagbabawi ng Resolution No. 03-2023 na pumapayag na muling buksan ang Trekking Activity sa Summit o tuktok ng Bulusan Volcano Natural Park o BVNP.
Ayon pa sa ahensya at sa kanilang koordinasyon sa Philvolcs, bagama’t nasa alert level zero o normal ang bulkan, mapanganib pa rin umano ang pagpasok sa 4 kilometer permanent danger zone dahil sa posible at di inaasahang steam-driven o phreatic eruption sa tuktok o crater ng bulkan.
Sinisikap naman ng Brigada News na makuha ang komento ng Bulusan LGU tungkol sa usaping ito.
