Engineer, sina-murai at chinop-chop ng katiwala

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang engineer matapos itong matagpuan na wala nang buhay at pira-piraso pa ang katawan sa isang sapa sa Bacoor City, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, isang buwan na simula noong mawala ang biktimang si Egnr. Napoleon Fernandez kung saan huli itong nakita noong araw ng kanyang kaarawan.

Nakalagay sa apat na sako ang katawan ng biktima nang matagpuan sa sapa na itinuro mismo ng suspek na si Romnick Bombeo, katiwala ng biktima at dalawang taon nang kasama sa bahay.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ayon kay Police Major Renalyn Lim, ang Chief PIO ng Bacoor City Police Station, mismong ikinuwento ng suspek na noong July 7, nagkaroon sila ng pagtatalo ni Fernandez habang nag-iinom.

Noon ay hinamon ng biktima ang suspek na patayin siya nito dahilan para saksakin ng suspek ng samurai ang biktima.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Para itago ang krimen, chinap-chop ng suspek ang katawan ng biktima at isinilid sa maleta.

Nasa lima hanggang pitong beses daw hinakot noon ng suspek ang mga pira-pirasong katawan ng biktima para itapon sa sapa.

Nahuli din naman noon kaagad ang suspek, at sa ngayon ay nasa kustodiya ng naturang himpilan.