Pagbili ng mga lupang sakahan sa bansa, nakakatulong – PSABE

LEGAZPI CITY – Nakakatulong umano sa mga magsasaka ang mga nabibiling mga lupang sinasaka sa bansa dahil napapabilis umano nito ang transportasyon ng mga pagkaing gulay na dinadala sa mga bayan o lungsod.

Ayon sa Philippine Society of Agriculture and Biosystems Engineers (PSABE), para sa kanila, ang pagbili ng lupang sinasaka na ginagawang industrial, alternate road o farm-to-market road ay hindi kabawasan sa pagkain.

Kung titingan umano kasi ang ginagawang konstruksyon o pagde-develop ng mga kalsada mula sa nabiling lupa sa mga magsasaka, pakikinabangan din ito ng lahat.

Magiging kabawasan lamang umano sa pagkain ng mga Pilipino, kung ang nabiling lupa ay hindi pakikinabangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *