Lalaki sugatan nang tagain ng lagari sa ulo

Sugat sa ulo ang tinamo ng 38-anyos na si Bernard nang tagain umano gamit ang lagari bandang alas-otso kagabi, Ika-22 ng Abril sa Brgy. Abaroan, Roxas, Palawan.

Ang suspek ay kinilala sa pangalang Edmund, 47-anyos residente rin sa barangay.

Ayon sa PNP, nagkita ang dalawa sa piyesta roon ng bigla na lamang tagain ng suspek ang biktima ng kanyang lagari.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima ng kanyang mga kaanak roon habang ang suspek ay naaresto ng mga tanod.

Samantala, napag-alaman ng pulisya na mayroon ng dating hidwaan ang dalawa panig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *