Pagbebenta sa ilang mga non-performing assets ng Gobyerno, pinaburan sa Senado

Wala umanong tutol si Senador Christopher “Bong” Go tungkol sa pagbebenta ng mga non-performing assets na matagal na raw ginagawa ng gobyerno.

Ani Go, pabor siya sa naturang usapin, lalo na’t may mga assets ang ilang nagdaang administrasyon na hindi naman napakikinabangan.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Puwede rin daw i-dispose ang naturang mga assets para magamit ang pondong kikitain.

Mariing sinabi ni Go na dapat, walang masayang na assets at pera ang gobyerno dahil naghihirap na ang bansa, kung kaya’t bawat piso ay mahalaga.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Bukod dito, sang-ayon ang mambabatas sa pagbebenta ng nasabing mga assets kung makatutulong umano ito sa ekonomiya at sa ikauunlad ng bansa.