Nakipagpulong si Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kay French Ambassador to the Philippines Michele Boccoz kaugnay sa renewed health cooperation at partnership para sa public health ng dalawang bansa.
Pinag-usapan ng dalawang opisyal ang pagpapaigting ng COVID-19 response sa pamamagitan ng bakuna, at sa Universal Health Care.
Kabilang din sa mga nailatag sa pagpupulong ang pagpapalakas ng delivery ng primary care services, at pagtugon sa mga sakit gaya ng human immunodeficiency virus (HIV), tuberculosis, dengue, at malaria.
Sa isang pahayag, sinabi ni Vergeire na sa tuloy-tuloy na investment at collaborations, gamit ang One Health Approach at improved collaboration, kampante sila na maisasakatuparan ang kanilang mga target at hangarin para sa kabuoang kalusugan ng Pilipinas.
