Karagdagang health insurance programs, binabalangkas na ng DOST at PhilHealth

Kasabay ng pagdiriwang ng ‘National Health Insurance Month’ ngayong Pebrero – inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) na pinag-aaralan na nila ang posibleng paglulunsad ng mga bagong benepisyong pangkalusugan para sa mga pasiyenteng makararanas ng cardiovascular diseases.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ayon kay DOST Exec. Dir. Jaime Montoya – nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth para sa mga karagagang health insurance programs para sa mga Pilipinong may karamdaman sa puso.

Sa oras na maisakatuparan ito – ma-aavail na ng mga pasiyenteng Pilipino ang mas maraming benepisyo at tulong sa oras na atakihin sila’t ma-admit sa mga pagamutan.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Kung maaalala, sa ilalim ng National Health Insurance Program (NHIP), titiyakin ng state insurer na PhilHealth na mayroon itong sapat na pondo para sa mga medical needs ng kanilang mga miyembro.