Isa ang naitalang isinugod sa pagamutan matapos ang nangyaring aksidente sa pagitan ng isang tricycle at pampasaherong bus sa National highway ng Brgy. Manalo sa Puerto Princesa.
Ang aksidente ay tinatayang nangyari ganap na alas-tres ng hapon kahapon, ika-26 ng Agosto.
Base sa imbestigasyon, galing sa bayan ng Roxas ang pampasaherong bus na San Isidro Bus Express at pagdating sa lugar ay doon nangyari ang aksidente.
Dahil sa aksidente ay nawasak ang bumper ng bus habang ang nayupi at nabasag rin ang sidecar ng tricycle.
Kwento ng nakasaksi sa aksidente, magkasunoran ang dalawang sasakyan nang bigla umanong mag u-turn ang tricycle kaya nangyari ang aksidente at sa lakas ng pagbangga ay nagpaikot- ikot pa daw ang tricycle.
Dinala na umano sa Salvacion Satelite Clinic ang drayber ng tricycle na hindi nakilala habang wala umano nasaktan sa mga sakay ng bus.