Pagbebenta ng P29 na bigas – posible sa Agosto ayon sa DA

Binigyang-diin ng Department of Agriculture na posibleng makapagbenta ito ng government-subsidized rice sa halagang P29/kilo sa buwan ng Agosto.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na ang pagbebenta ng mas murang bigas ay nagawa na sa pamamagitan ng kontrata ng National Irrigation Administration (NIA) sa mga kooperatiba ng mga magsasaka.

Posible umano ito kasabay na rin ng subsidiya na magmumula sa pamahalaan.

Paliwanag pa ni de Mesa, maipatutupad ito gamit ang mas mababang production cost, probisyon sa libreng palay, fertilizers, free irrigation service fees, at machinery.

Umaasa ang kalihim na maipapasa na ang naturang hakbang pagdating ng Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *