NAGA CITY –Muling magsasagawa ng Cam Sur Business Expo 2023 ang Camarines Sur Chamber of Commerce and Industry Incorporation o CSCCI na may pamagat na SIMON o Scaling with Impact Marketing and Optimized Networks, layuning makatulong at makabawi para sa ekonomiya lalo na sa probinsya.
Ayon kay Kristan Carl Malazarte, Executive Vice President at Overall Chairperson, Cam Sur Business Expo 2023, marami ang negosyong nagsara, marami rin ang nawalan ng trabaho, nagbawas ng mga operasyon kung saan hanggang ngayon ay nasa recovery process talaga dahil sa pandemya.
Magkakaroon ng 3rd Cam Sur Game fowl Expo sa March 24-25, 2nd Bicol Tourism Expo sa May 25-28, 5th Cam Sur Construct sa June 23-24, 6th Bicol Agri Summit sa July 27-29, 6th Food and Beverage Expo sa August 24-26, at 9th Regional Youth Entrepreneurship Congress sa October 6-7.
Kung saan hindi lamang produkto ng Camarines Sur ang iki-cater maging mula sa ibang probinsya, magkakaroon din ng mga discussion, seminar and training kasama ang iba’t-ibang ahensya tulad ng Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Fishiries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology (DOST), Department of Tourism (DOT) at marami pa.
Dagdag pa ng opisyal na dapat ay sabay-sabay at tulong-tulong na umaangat ang mga pampublikong sektor, pribadong sektor at maging ang mga Lokal na Gobyerno.