Negosyante, arestado ng CIDG Palawan; nahulihan ng baril at mga bala

Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG Palawan) ang isang 37 anyos na negosyante sa apartment sa Brgy. San Miguel Puerto Princesa City.

Nitong gabi ng Martes, March 21, bitbit ang searh warrant ay ni-raid ng operatiba sa pangunguna ni PCapt. Paulino Tugade Jr. ang tinutuluyan ng suspek at ipinatupad ang search warrant.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Nakuha sa suspek na si “Chemuel Poquita” ang isang unit ng Taurus 9MM Pistol with serial number ABH846167, tatlong magazine ng 9MM at tatlumpong mga bala/ cartridges na walang dokumento.

Samantala, iniimbestigahan pa ng CIDG ang nakuha rin na paraphernalias sa compound ng suspek na may kinalaman sa operasyon ng Small Town Lottery.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Makikipag-ugnayan pa umano ang CIDG Palawan sa PCSO tungkol sa operasyon nito, ayon kay Capt. Tugade.

Nahaharap na sa kasong Violation of Republic Act 10591 or Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act ang negosyante.