Nais malaman ni Palawan Board Member Ryan D. Maminta mula sa mga ahensya ng pamahalaan kung ano ang ginagawa nito kontra sa illegal recruitment at human trafficking.
Ayon kay BM Ryan Maminta, nais niyang makapagpaliwanag ang kinatawan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, Dept. of Labor and Employment, Phil. National Police, Dept. of Foreign Affairs, Dept. Of Justice at iba pang ahensya na may kinalaman kaugnay sa usaping ito.
Ikinalungkot kasi ng lokal na mambabatas ang balita na kamakailan ay maroong dalawang Palaweño ang nasawi matapos kumain habang nagtatrabaho sa Bangi, Malaysia na doon ay nagtrabaho sa isang Palm Tree Company.
Kaugnay nito, gustong makatiyak ni Maminta na naipatutupad ng mga ahensya ang mandato sa mga ito upang wakasan ang illegal recruitment at umanoy human trafficking.