Pagbabawas sa mga holiday na isinusulong ng Senado, welcome sa DOLE

Iginagalang ng Department of Labor and Employment ang panukala ng Senado na bawasan o limitahan ang mga holiday sa bansa.

Sa isang press conference, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na naniniwala siya na kapag maraming holiday ay apektado rin ang productivity ng mga manggagawa.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Aniya, 10 lamang ang legal holidays sa bansa pero nadagdagan lamang ito dahil sa mga batas na naipapasa pero may mga local holidays din naman raw na makatutulong sa mga tutol sa panukala.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Ayon pa kay Laguesma, may mga benepisyo naman ang mga manggagawang pumapasok tuwing holidays tulad ng karagdagang insentibo.

Samantala, welcome naman raw ang DOLE na dumalo kung magkakaroon ng pormal na pagdinig ang Senado.