House Minority, sinuportahan sina Cong. Castro, Satur Ocampo

Naglunsad ng signature campaign ang mga mambabatas mula sa oposisyon sa Kamara bilang suporta kay Deputy Minority Leader France Castro at iba pang sinentensyahang guilty dahil sa paglalagay sa panganib ng mga menor de edad.

Sa isang liham, umapela si House Assistant Minority Leader Arlene Brosas sa mga kasamahan sa minorya na lumagda sa statement of support para kina Castro at dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Kabilang sa signatories sa statement of support sina Brosas, House Minority Leader Marcelino Libanan, Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel, House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza, Apec Party-list Representative Sergio Dagooc at Philreca Party-list Representative Presley de Jesus.

Layon ng kampanya na mabawi ang desisyon ng Tagum court na para sa oposisyon ay maituturing umanong “grave injustice” at banta sa tunay na demokrasya at social justice.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Sa paglagda aniya sa statement ay maipararating ang makapangyarihang mensahe na hindi sila tutunganga lang habang inuusig ang kanilang kasamahan dahil lamang sa adbokasiya.

Punto pa ni Brosas, marapat lamang na suportahan ang commitment nina Castro at Ocampo sa mamamayan at ang paglagda ng mga kongresista ay magpapalakas sa nagkakaisang boses ng minorya sa pagtatanggol sa karapatan ng public servants.