Pagbabawal sa mga tricycle at pedicabs sa national highway, ipinanawagan

Muling ipinanawagan ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa mga lokal na pamahalaan sa bansa ang paghihigpit sa mga tricycle at pedicabs na dumaan sa national highway.

Sa inilabas na pahayag ni Interior Sec. Benhur Abalos Jr., sinabi niyang ang muling paghihigpit ay dahil marami umanong LGU’s ang nabigong ipatupad ang inisyu nilang Memorandum Circular dahilan para magresulta sa buhol-buhol na trapiko na minsa’y nagdudulot pa aksidente.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Batay sa ulat ng Metro Manila Accident and Reporting System, noong taong 2022 lamang ay aabot na sa 2,829 na mga aksidente sa kalsada ang kinasasangkutan ng mga bikes, e-bike, at pedicab ang naitala.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Hiwalay pa ito sa 2,241 na mga road accidentd na naitala sa kaparehong taon kung saan sangkot ay ang mga tricycle.

Samantala, pinuri naman ni Abalos ang Bayan ng San Mateo, sa Rizal sa pagtugon nito sa memo circular na sinimulang mahigit na ipatupad noong Lunes, February 5.