DILG, wala pang naisusumiteng shortlist para sa susunod na hepe ng PNP

Wala pang naisusumiteng shortlist ang Department of the Interior and Local Government o DILG kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papalit kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr.

Ito’y kahit lagpas isang buwan na lang ang nalalabi bago mapaso ang ibinigay na extension ng Palasyo kay Gen. Acorda hanggang March 31.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Interior Sec. Benhur Abalos Jr.,kuntento siya sa kung papaano pamunuan ni Gen. Acorda ang hanay ng Pambansang Pulisya.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Maaalalang, dapat sanang nagtapos noong December 3 nakaraang taon ang panunungkulan ni Acorda sa pagsapit ng kaniyang mandatory retirement age na 56.

Pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang termino ni Acorda dahil sa matagumpay niyang pamumuno sa PNP.