Isang OFW, hinarang dahil sa kaparehong record sa kanyang pasaporte

Iniimbestigahan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakatuklas nito sa dalawang valid passport na may parehong pangalan, petsa at lugar ng kapanganakan, ngunit may magkaibang larawan.

Ang may-ari ng pasaporte ay isang overseas Filipino worker (OFW) na aalis sana patungong Saudi Arabia noong nakaraang linggo.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ngunit sa pagsusuri ng BI, natuklasan na ilang beses nang nagamit ang pasaporte sa mga paglalakbay sa ibang bansa.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, may nagproseso sa application ng OFW noong 2016, kung saan ibinigay niya lahat ng kanyang detalyer.

Kinukuha na rin ng bureau ang pahayag ng OFW.