Pagbabawal ng POGO sa bansa, suportado ng Chinese Embassy

Suportado ng embahada ng China ang pagba-bawal ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Sa inilabas nitong statement, sinabi ng embahada na marami nang ebidensya na puro krimen na lang ang naiimabag ng POGO sa Pilipinas, kabilang na ang kidnapping for ransom, human trafficking, at murder.

Nakakasira anila ito sa imahe ng Pilipinas at China, pati na rin sa relations ng dalawang bansa.

Nangako naman itong nakatuon ang gobyerno ng China sa pag-protekta sa mga mamamayang Tsino na magiiging biktima ng POGO.

Umapela na rin ang embahada sa Pilipinas na ipagbawal ang POGO sa lalong madaling panahon, na inilarawan nilang “sakit sa lipunan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *