171 dengue cases, naitala na sa buong Camarines Sur

CAMARINES SUR-171 na ang kaso ng dengue sa Naga at Camarines Sur. Ito ay batay sa tala ng Department of Health Bicol.

Ang record ay mula Enero hanggang Nitong Hunyo 1, 2024. Sa mga kaso pinakamaraming naitala ang Naga City sa 23, sumunod ang capital town Pili sa 13, gayundin ang Libmanan, Nabua at Iriga City. Isa hanggang labing isa naman sa iba pang mga bayan habang wala sa Gainza, Garchitorena, Sagñay, Del Gallego, Balatan, Siruma at Tinambac.

468 dengue cases ang naiulat sa Philippine Integrated Disease Surveillance and Response (PIDSR) sa nasabing panahon habang 384 noong 2023 o may 21.8% na pagtaas. Patuloy ang paghikayat sa publiko na gawin ang 5S kontra dengue. Search and Destroy, Self-Protect, Seek Early Consultation, Support Fogging, and Sustain Hydration.

Ayon naman kay Mabolo, Naga City Punong Barangay Noel Constantino ngayong Dengue Awareness Month, paiigtingin pa ang kalinisan sa Barangay sa ngayon mayroon na silang clean up drive. Ang Mabolo ay isa sa mga binabahang lugar sa Naga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *