Defense Analyst, naniniwalang dapat ay hindi magpasindak ang Pilipinas sa China

Umapela ang isang defense analyst na dapat ay ma-escort-an ang mga mangingisdang papalaot ngayong araw sa West Philippine Sea (WPS).

Kasabay ‘yan ng unang araw ng panghuhuli ng China Coast Guard (CCG) sa mga itinuturing nilang ‘trespassers’ sa loob mismo ng ating teritoryo.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay DLSU prof Renato de Castro, idiniin nitong China pa dapat ang ituring na ‘trespassers’ dahil iligal ang kanilang ginagawa sa ating karagatan.

Dapat umano, ang gawin ng Gobyerno ay hindi magpasindak, pero dapat ay maging handa rin sa kung ano man ang dapat mangyari.

Sakali man aniyang lumala pa ang tensyon ay ‘di na maiiwasang hindi i-invoke ang umiiral na mutual defense treaty.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *