Pagbabalik sa dating school calendar, tiyak na makatutulong umano na maiwasan ang tindi ng init sa mga susunod na taon

Naniniwala si Senate Committee on Basic Education, Chairperson, Senador Win Gatchalian na napapanahon na para ikonsidera ng bansa ang paggamit ng ‘agressive approach’ sa pagbabalik sa dating school calendar.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng heat index sa bansa dala ng El NiƱo na siyang dahilan naman ng ilang suspensyon ng mga klase.

Ayon sa senador, makatutulong ang agresibong pagbabalik sa dating school calendar upang maiwasan na sa mga susunod na taon ang tindi ng init na kakaharapin ng mga estudyante at guro.

Maalala, ayon sa Department of Education (DepEd) upang mapatupad ang agresibong transisyong ito ay maaring magpatupad ng kaunting in-person classes habang ang ilang araw naman kasama ang Sabado ay ilalaan para sa Alternative Delivery Modes (ADMs).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *