Mahigit 800 motor riders, lalahok sa Motorally de San Jose Partido

CAMARINES SUR — Nasa mahigit 800 motor riders ang lalahok sa ikalawang edisyon ng Motorally de San Jose Partido sa ikaapat na distrito ng Camarines Sur, ngayong darating na linggo.

Kasama sa mga makikilahok ang Philippine Motorcycle Tourism Ambassadress, na si Jet Lee. Ayon naman kay Sonny Malate, ang Tourism Operation Officer ng bayan ng San Jose, maliban sa mga dagdag na ruta, ang aktibidad na ito ay layuning maipakita hindi lamang sa mga local motor riders kun’di pati na sa mga dadalong bisita ang mayamang tourist destinations ng Partido Area.

Sa susunod na sabado, May 11, pagkatapos ng Solidarity Night sa Talisay Port, magsisimula na ang motorally, at ang huling destinasyon nito ay sa  Barangay San Vicente, San Jose Partido.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *