LEGAZPI CITY – Inaasahan ng Albay Veterinary Office (AVO) na maibabalik na sa pink zone status ang lungsod ng Ligao bago matapos ang buwan ng Hunyo ngayong taon matapos ang naitalang kaso ng African Swine Fever (ASF).
Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ni Provincial Veterinarian Dr. Pancho Mella na wala na ring naitalang kaso ng ASF sa lungsod matapos ang kanilang surveillance at mass testing sa mga alagang baboy mula sa mga barangay nito.
Dahil dito, umaasa ang tanggpan na maibabalik na sa pink zone ang lungsod bago matapos ang buwan na ito.
Nagpaalala naman ang opisina sa mga nag-aalaga ng baboy na maging maingat sa pagpaplabas-pasok sa mga kulungan ng nasabing mga hayop dahil maaari umanong nagdadala ang mga ito ng virus tuwing bumibisita sa mga babuyan.