Pagpapatupad ng disaster readiness and response, pinaghahandaan na kasunod ng pagkilala sa lalawigan ng Phil-American Red Cross

LEGAZPI CITY – Naghahanda na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) para sa full implementation ng disaster readiness and response kasunod ng pagkilala sa lalawigan ng Philippine and American Red Cross.

Layunin nitong palakasin ang kahandaan at pagtugon sa sakuna sa lalawigan.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Ito ay pormal na tinanggap ng PGA sa pamamagitan ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Head na si Dr. Cedric D. Daep, sa PRC Headquarters sa Mandaluyong nito lamang nakaraang linggo.

Ayon kay Daep, ang proyektong ito ay kumakatawan sa isang malakas na pakikipagtulungan sa pagitan ng PGA at ng Philippine Red Cross.

Read More:  Newborn baby girl found at Bohol college parking area

Layunin umano nito na mas palakasin ang kahandaan at kakayahan sa pagtugon ng lahat ng mga lokal na yunit ng pamahalaan, lalo na sa antas ng barangay.