Pagbabalik ng operasyon ng mga casino sa Boracay, tinutulan ng Simbaha

Tinutulan ng Simabahang Katolika, mga negosyante, at iba pa ang pagbabalik operasyon ng mga casino sa Isla ng Boracay.

Inihayag ito ng Diocese of Kalibo at the Boracay Foundation Inc., na isang non-stock, non-profit organization na nagrerepresenta sa mga nangungunang establishiymento sa Boracay kabilang na ang resorts, hotels, restaurants, at iba pang mga negosyo.

Sinabi ni BFI chariman Dionisio Salme na iminungkahi ng foundation noong 2018 na i-relocate ng casino proponents ang kanilang operasyon sa mainland town ng Malay.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Kaugnay nito ay umapela naman si Bishop Jose Corazon Tala-oc ng Diocese of Kalibo kay Pangulong Rodrigo Duterte na irekonsidera ang desisyon nito at i-ban ng tuluyan ang mga casino sa Boracay.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Inihayag ng obispo na ang Boracay ay regalo ng Panginoon sa Aklan at sa buong mundo, kung saan ay nagsisilbi na ito bilang family destination at lugar para sa educational advancement at entrepreneurship.

Hinimok naman ni Tala-oc ang mga pari sa Kalibo at pati na rin ang mga parish pastoral council at lay organizations na bumuo ng mga grupo na tututol sa pagsusugal sa isla.