50 dating rebelde, nabakunahan kontra COVID-19 – Army

Naturukan na ng COVID-19 vaccine ang 50 dating miyembro ng New People’s Army sa Northern Mindanao at pati na rin ang mga dependents nito.

Sinabi ni 4th Infantry Division Commander Major General Romeo Brawner Jr. na ang vaccination activities na isinagawa sa maraming lugar sa rehiyon ay katuparan ng pangako ng Army 4th ID na protektahan ang NPA surenderees at pati na rin ang mga nahuli o naaresto mula sa epekto ng virus.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Mababatid na ginawa ang inoculation ng mga dating rebelde sa tulong 4th ID at ng Local Government Units.

Noong nakaraang linggo ay nangako si Brawner na magse-secure ang Army ng mga bakuna para sa mga dating rebelde matapos nilang mapag-alaman na nagpositibo sa COVID-19 ang isang nasawing NPA at pitong guerilla na nahuli mula sa nangyaring bakbakan sa Bukidnon.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Kabilang sa mga bakuna na ginamit sa mga dating rebelde at dependents nito ay Sinovac at AstraZeneca.