Lalahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa gagawin na high-level general debate ng 76th session ng United Nations General Assembly (UNGA) na gagawin ngayong linggo.
Inaasahan na kabilang sa isusulong ng Punong Ehekutibo ay ang universal access sa COVID-19 vaccines at ang kapakanan ng migrant workers.
Gaganapin simula bukas, September 21 hanggang September 27, ang naturang event.
Ayon sa Malacañang, magsasalita ang Pangulo sa unang araw ng event, sa pagitan ng alas-4 hanggang alas-6 ng umaga ng September 22 (Oras sa Pilipinas)

Bukod sa universal access sa COVID-19 vaccine, ay kasama rin sa mga topics na nais talakayin ng Pangulo ay ang climate change, human rights, kabilang na ang sitwasyon ng migrant workers at refugees, at international at regional security developments.
Pangungunahan naman ni Abdulla Shahid ng Maldives, na incoming president ng 76th UNGA, ang magiging debate, na susundan naman ng hybrid format ng in-person at virtual attendance ng mga delegado dahil sa COVID-19 pandemic.