Pagbabalik ng ‘Goin Bulilit’, kinagiliwan online

Kinagiliwan at kinasabikan ng marami ang pagbabalik sa telebisyon ng kiddie gag show na ‘Goin Bulilit’.

Bumuhos ng papuri online sa mga nakakaaliw na parody at mga kwela at cute na mga bata.

Umabot lang naman sa lampas 60,000 peak concurrent views ang nakamit ng Goin Bulilit.

Patok na patok ang ilang spoof kagaya ng ‘Baby Quiapo’ at ‘Magandarang Buhay’.

Nagbalik din ang ‘GB Patrol’ at ‘Ano Daw.’ Napanood din ang nakakatawang musical spoof nila sa kanta ni Angeline Quinto na “Piliin Mo Ang Pilipinas,” na pinamagatang ‘Kulitin Mo Ang Pilipinas’ habang nakilala rin ng manonood sina Alice Gulo at Lisa Contiveros.

Mapapanood ang “Goin Bulilit” Lunes hanggang Biyernes, 5:45PM at Saturday at Sunday, 4:30PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, ALLTV,A2Z, and iWantTFC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *