Kauna-unahang 120km Mt. Mayon Bike Challenge na parte ng Ibalong Fesitval sa Legazpi, Albay, pinaghahandaan na

LEGAZPI CITY – Pinaghahandaan na ngayon ang pagsasagawa ng kauna-unahang 120km Mt. Mayon Endurance and Tourism Bike Challenge na parte ng Ibalong festival sa lungsod ng Legazpi sa probinsya ng Albay.

Konektado rito, ang Cyborg Entertainment ay nakikipagkoordina na sa mga lokal na gobyerno na magigin sakop ng aktibidad kung saan pinaguusapan ang patungkol sa mga dapat na isagawa upang maging matagumpay itong maisagawa samantala nagpakita naman ng kanilang suporta ang mga LGU at nangakong sisiguruhin ang kaligtasan ng mga lalahok, at magbibigay ng asistensya pagdating sa mga ruta at pagpakalat ng mga personahes sa mga stamping stations.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Magkakaroon dito ng sampung pit stops sa mga parte ng Sawangan park sa Legazpi, St. Dominic of Guzman Parish sa Sto. Domingo, mga munisipyo ng Tabaco, Polangui, Libon, Guinobatan, Ligao, Daraga, Oas Town Hall, at sa Camalig Nuyda Park.

Ang aktibidad na ito ay isa sa pangunahing aktibidad ng selebrasyon na makapagbibigay ng panibagong karanasan sa mga riders at maililibot ang mga ito sa mga magagandang tanawin sa probinsya na makakapagbenepisyo sa turismo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samalatana ang naturang challenge ay may tarlong kategorya na ang male and female mountain bike, male and female roadbike, at ang fun ride/gran fondo, na inaasahang lalahukan ng mga international at local riders.

Sa ngayon, patuloy naman sa paghimok ng grupo sa mga nais lumahok sa aktibidad na magparehistro na bago ang huling araw nito sa mismong katapusan ng buwan.