Pagbabalik eskwela sa Tiongson Elementary School napaghandaan ayon sa school principal

LEGAZPI CITY – Aabot sa 77 learners sa Tiongson Elementary Schools ang sumailalim sa limited face to face classes.

 Ito ang inihayag ni Paul Cha, ang school principal ng Tionson Elementary school Ligao City sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Cha, napaghandaan ng nasabing paaralan ang pagbabalik eskwela ng mga bata mula kinder hanggang grade 3 dahil sa pakikipagtulungan ng mga barangay, Lgu, parents, guro at iba pa.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

 Aniya, nahahati sa set A at Set B ang mga bata sa limited face to face classes. Ang Set A sa unang linggo ay magsasagawa ng face to face classes habang nag set B ay modality pero makalipas ng isang linggo ang set B naman ang papasok sa paaralan.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

 Aminado ang opisyal, may mga magulang ang hindi pumayag na pumasok sa paaralan ang kanilang anak dahil sa may mga nararamdamang takot na mangyari sa kanilang anak laban sa covid 19 at may mga magulang ang hindi pa nauunawaan ng mga ito ang pagbabalik eskwela.