LEGAZPI CITY – Excited na ang mga guro at mga bata sa pagbabalik eskwela kahapon matapos ang dalawang taon hindi nagkaroon ng face to face classes dahil sa sakit na coronavirus disease (COVID) 19.
Ayon kay Thea Bangate, isang guro ng grade 3 pupil ng Tiongson Elementary School Ligao City, sa unang araw pa lang ay magsasagawa muna sila ng psycho social activities sa mga bata upang hindi mabigla sa pag aaral ang mga ito.
Hindi biro ang pinagdaanan ng mga bata ngayon panahon ng pandemya dahil sa mayroong epekto ito sa kanila kung saan ay mapapansin ay naninibago pa ito. Dahil dito kailangan ihanda ang mga bata emotionally, mentally at physically bago magtungo sa regular classes.
Sinabi ng opisyal, itong pilot testing area na limited face to face classes ay hindi madali sa mga bata ang kanilang gagawing adjustment period pero masasanay na rin ito sa set up habang tumatagal sa pagtuturo sa mga bata.