KORONADAL CITY- BINUKSAN na ang ikalawang Balay Silangan Reformatory Center sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Pinangunahan ni Philippine Durg Enforcement Agency o PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan kasama ang mga opisyal ng local government unit o LGU Lutayan ang inauguration ng Balay Silangan na makikita Old Barangay Hall, Brgy. Tamnag, Lutayan, Sultan Kudarat.
Ang Balay Silangan, na isang national drug reformation program, ang nagsisilbing pansamantalang kanlungan ng mga drug offenders na may layuning mareporma ang mga ito at maging self-sufficient at law-abiding members ng komunidad.
Sa naturang pasilidad, isinasailalim ang mga drug offenders sa moral recovery program, life skills, livelihood programs, continuing education at values formation.
Ito na ang ika-anim na naipatayong Balay Silangan sa Soccsksargen region.
