Kumbinsido si infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na panahon para ibaba ang alert level sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Subalit iginiit ni Solante na dapat manatili pa rin ang minimum public health standards, tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing, sakaling ibaba sa relaxed alert level ang mga lugar.

Sa kasalukuyan, nanatili sa Alert Level 3 ang Davao de Oro, Davao Occidental, Guimaras, Iloilo City, Iloilo province, South Cotabato, at Zamboanga City.
Habang nasa ilalim ng Alert Level 2 ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa hanggang sa katapusan ng buwan.
Noong Pebrero 20, nakapagtala ang bansa ng 1,712 bagong kaso ng COVID-19, ang pinakamababang daily tally mula noong Disyembre 30, 2022.