Pagbabakuna sa mga minor with comorbidities, sinimulan na sa Isabela

Sinimulan na ngayong araw, October 29, 2021 ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga kabataan na edad 12-17 anyos na may comorbidities o kabilang sa Pediatric A3 sa Gov. Faustino N Dy. Sr. Memorial Hospital at iba pang mga piling pagamutan sa lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Chief Nurse Florentina Guillermo ng GFND Memorial Hospital, nasa 286 doses ng Pfizer vaccine ang inisyal doses na inilaan sa naturang pagamutan.

Aniya, maghapon ang naturang aktibidad at kung may mga hindi matapos ay itutuloy sa susunod na linggo.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Ayon kay Chief Nurse Guillermo, nagparehistro ang mga vaccinee online at sa pamamagitan na rin ng mga health workers.

Kailangan lang aniya na mayroon silang medical certificate mula sa doctor na nagsasabing maaari na silang tumanggap ng bakuna.

Sinabi pa niya na piniling isagawa sa mga ospital ang vaccination dahil malapit sa emergency room kung saan dadalhin ang mga naturukan sakaling magkaroon ng adverse effect pagkatapos ng bakuna.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Imomonitor din ng hangang 30 minutes ang mga natapos nang mabakunahan.

Naka-schedule naman sa November 19 ang ikalawang doses para sa tinanggap na bakuna.

Samantala, ayon sa Isabela Provincial Health Office, kabilang sa piling pagamutan na pinagdausan ng ceremonial vaccination ay ang Manuel Roxas District Hospital, Echague District Hospital, Milagros Albano District Hospital, City of Ilagan Medical Center at Prospero G. Bello Community Hospital.