Pagbabakuna sa katawan malaking tulong sa kalusugan laban sa COVID-19- DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Health (DOH) Bicol na epektibo ang itinuturok na bakuna sa mga tao dahil sa wala ng kasong naitatalang na nagpositibo sa corona virus disease sa ilang mga bayan at lungsod sa Bicol.

Ayon kay Regional Director Ernie Vera ng DOH Bicol, ang bakuna na itinuturok sa katawan ng tao ay malaking tulong ito sa kalusugan dahil sa pinoprotektahan laban sa covid 19.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Aniya, kung walang bakuna ay maaari umano itong dumami pa ang mga nagpopositibo sa rehiyon at marami rin ang bilang na masasawi sa nasabing sakit.

Dahil dito binigyan ng importansya o halaga ang bakuna kung saan hinihikayat ang publiko na magpabakuna na.

Napag-alaman rin umano na marami ngayon ang nagdadalawang isip na magpabakuna o ayaw ng magpabakuna dahil sa nabakunahan na rin ito sa 1st at second doze vaccine.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Binigyan diin ng opisyal, na maling pananaw o kaisipan ang naging dahilan ng ilang mga mamamayan na hindi na magpabakuna.

Ang bakuna ay mayroong halaga sa tao upang hindi tamaan ng sakit na covid 19 at hindi rin makapaghawa pa ng sakit sa ibang tao.