Bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19 sa Albay, umabot na sa mahigit 870K

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Albay Provincial Health Office na umabot na sa 872,902 mga Albayano ang bakunado na kontra COVID-19.

Ayon sa PHO, mula sa nasabing bilang 805,828 sa mga ito ang fully vaccinated na habang nasa 79,501 naman ang mga tumanggap na ng booster shots.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Bunsod nito, naabot na ng lalawigan ang 76% na vaccination coverage mula sa  1.1 million na mga indibidwal na target na mabakunahan upang makamit ang herd immunity.

Kaugnay nito, sinabi ni Albay PHO Operations and Coordination Head – Mark Gumba, na nasa 80% hanggang 100% na ang vaccination coverage sa Legazpi City, Tabaco City at bayan ng Tiwi habang pinakamababa naman ang islang bayan ng Rapu-Rapu na may 39% pa lang.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa ngayon, patuloy umano ang pagsusumikap ng PHO na mas mapalawak pa ang vaccination program sa nasabing probinsya at mas dumami ang maturukan ng bakuna kontra sa nakamamatay sa virus.###