LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Mayor Andy Mariscotes ng Polangui Albay na ngayon araw pa lang ay nagsimula na ang kanilang pagbabakuna sa mga edad na 12-17 anyos habang nagbabakuna na rin sa edad 18 anyos pataas.
Ayon kay Mariscotes, 1K ang kanilang nakaschedule ngayon araw na Sabado ang dapat na mabakunahan ang mga nasabing edad sa bayan. Aniya, sinasagawa ang pagbabakuna sa dalawang mall ng Polangui upang mailagay sa maayos at komportable ang binabakunahan. Pumalo na sa mahigit sa 30% ang nabakunahan na 18 anyos pataas sa loob ng dalawang linggo.
Dagdag pa nito marami-rami na rin ang nagnanais na magpabakuna kung kayat ang ginagawa ngayon ng LGU ay hinahakot ng 22 rescue vehicle ang tao sa bawat barangay na magpapabakuna at dadalhin sa vaccination area na nasa Mall.
Sinabi ng opisyal, hindi na mahihirapan ang lokal na Pamahalaan na hikayatin o kombinsihin ang mga tao sa mga barangay dahil sila na mismo ang nagkukusang magpabakuna.