KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA na ng 35 mga sunog ang tanggapan ng Bureau of Fire Protection o BFP-Koronadal ngayon taon.
Ito ang kinumperma ni Fire Officer 3 Ricky Villacura, investigator ng BFP-Koronadal.
Ayon kay Villacura, kabilang sa mga sunog na kanilang naitala ay ang grass fire, vehicular fire, sunog sa mga poste, sunog sa mga kabahayan at mga establesyemento.
Dagdag pa ni Villacura na madalas na pinagmulan ng sunog na kanilang narerespondihan ay ang mga electrical faulty wiring o short circuit, mga batang naglalaro ng apoy at naiwang nakasaksak na mga gamit o naka-sinding kandila at iba pa.
Dahil dito, nagpa-alala ang opisyal na ugaliing i-check ang mga gamit sa bahay bago umalis at huwag hayaang maabot ng mga bata ang mga gamit na posibleng pagmulan ng apoy.
Matatandaan na noong Biyernes, dalawang sunog ang nangyari sa lungsod na kinabibilangan ng isang bahay sa Purok Pagkakaisa , Barangay Magsasay na nag-iwan ng P40,000 na pinsala at storage room ng KNCHS Paraiso Campus sa Barangay Paraiso na nag-iwan naman ng P200,000 na danyos.
