Pagbabakuna kontra COVID- 19 sa mga batang edad 14- 17 anyos sisimulan na sa Camarines Norte sa November 15

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo nitong Miyerkules ng Provincial Health Office na sisimulan na ang pagbabakuna kontra COVID- 19 sa mga batang edad 14- 17 anyos sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa anunsiyo ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco maaari nang ipatala ng mga magulang sa tanggapan ng PHO upang mapabilang ang kanilang anak sa mga mababakunahan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Magdala lang ng Birth Certificate ng mga pababakunahan para mapabilang sa lista.

Matatandaan na sinimulan ang Pediatric Vaccination noong November 5 kung saan tatlong DOH hospital sa rehiyon ang itinalagang vaccination site.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, magkakaroon din ng catch- up immunization para sa measles, rubella at tetanus toxoid sa mga batang may edad 12- 13 taong gulang simula ngayong Nobyembre hanggang Disyembre 2021.

Mangyari lang na makipag ugnayan sa mga Rural Health Unit para sa nasabing gawain.